Arkanghel Metatron

ebook Hari Ng Kidlat

By Kumander Sator

cover image of Arkanghel Metatron

Sign up to save your library

With an OverDrive account, you can save your favorite libraries for at-a-glance information about availability. Find out more about OverDrive accounts.

   Not today

Find this title in Libby, the library reading app by OverDrive.

Download Libby on the App Store Download Libby on Google Play

Search for a digital library with this title

Title found at these libraries:

Library Name Distance
Loading...


AYON SA MITOLOHIYA NG MGA HUDIO AT MGA MUSLIM, SI METATRON AY ISANG ANGHEL NG DEUS. PINATOTOHANAN DIN ITO NG ILANG MGA SITAS NG AGGADAH AT MISTIKONG KABALISTIKA. ANG PANGALANG METATRON AY HINDI NAITALA SA TORA NI MOSES AT KUNG PAPAANO AT KAILAN NAGSIMULA ANG PANGALAN NA ITO AY MARIIN PA RING PINAGDEDEBATIHAN.


SA TRADISYONG ISLAM, ANG KANYANG PANGALAN AY TINAWAG NA MITATRUSH, ANG ANGHEL NG BELO.


SA IBANG TRADISYON AT PANINIWALA, SI METATRON AY ISANG MATAAS NA PINUNO NG MGA ANGHEL AT TINATAWAG NA "ANGHEL NA TAGAPAGTALA". ISA SIYA SA NAGTATAGLAY NG MATAAS NA ANTAS NG KAPANGYARIHAN.


SA PANINIWALA NG JEWISH APPOCRYPHA AT SINAUNANG KABBALAH, ANG PANGALANG METATRON AY SIYANG PANGALAN NI ENOCH NOONG SIYA AY UMAKYAT SA LANGIT AT NAGING ANGHEL NG DEUS.


AYON NAMAN SA KARUNONGAN NG ZOHAR, SI METATRON AY SIYANG ANGHEL NA NANGUNA SA ILANG AT POMOPROTEKTA SA MGA ISRAELITA MULA SA MGA SUNDALO NI PARAON HANGGANG SA MAKATAWID SILA SA PULANG DAGAT. INILALARAWAN DIN SIYANG ISANG MATAAS NA SACERDOTE.


SA KALAONANG PANINIWALA NG ECSTATIC KABBALAH, SI METATRON AY NAGING ISANG MESIAS.
SA APOCALYPSIS NI HERUBABEL, SI METATRON UMANO AY ISANG PUNONG ANGHEL NA SI MICHAEL. NAITALA DIN NA ANG PANGALANG METATRON SA GEMATRIA AY KAPANTAY NG SHADDAY O PANGINOON.


NGUNIT AYON SA KARUNONGANG LIHIM NG SINAUNANG MGA MISYONARYO, SI METATRON AY ISANG ANGHEL NG DEUS NA TINAGURIANG HARI NG KIDLAT SAPAGKAT HAWAK NIYA ANG KAPANGYARIHANG SINGLAKAS NG KIDLAT AT SINGBAGSIK NG KULOG.


SA KARUNONGANG LIHIM NG ATING MGA NINUNO NA SINASABI'Y NAKIKIPAG-USAP SA MGA ANGHEL NG KALANGITAN AT INFERNAL, LUMALABAS NA SI METATRON AY KAHALINTULAD NG ARKANGHEL NA SI MICHAEL. PINAMUMUNOAN NIYA ANG HUKBO NG MGA ANGHEL SA KALANGITAN MULA SA HILAGA HANGGANG SA TIMOG AT SI MICHAEL ANG NAMUMUNO NG MGA MANDIRIGMANG ANGHEL MULA SA SIKATAN HANGGANG SA KANLURAN. INILALARAWAN NG ATING MGA NINUNO SI METATRON NA ISANG ANGHEL NA MAY HAWAK NA KIDLAT.


KUNG ANG ISANG TAO AY NAIS MAKIKIPAG UGNAYAN SA ANGHEL NA ITO, KAILANGAN NIYA ANG MATINDING PANANAMPALATAYA SA DEUS AT SA MGA ANGHEL. SAPAGKAT ANG SUSI UPANG MAKAMIT ANG TULONG AT SAKLOLO MULA SA ANGHEL NA ITO AY ANG PANANAMPALATAYA.
ANG ANGHEL NA ITO AY SASAKLOLONG SINGBILIS NG KIDLAT KUNG IYONG NINANAIS ANG KANYANG TULONG KAPALIT NG DEBOSYON MO SA DEUS SA PAMAMAGITAN NG KANYANG PANGALAN. MAINAM NA TAGLAYIN ANG TALISMAN NI KING METATRON GAYA NG MEDALYON, PANYO O CHALECO HABANG PINAG-AARALAN ANG MGA KARUNONGANG LIHIM NA NAUUKOL SA KANYA.


MGA PAALALA AT PAUNAWA


SA MGA NAIS MAGTAGLAY NG KARUNONGANG ITO, PANATILIHIN ANG MABUTING PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DEUS, SA MGA ANGHEL AT KAY KING METATRON. UMIWAS SA MGA GAWANG MASASAMA, IWASAN ANG MGA BISYO AT KALAYAWAN. UMIWAS SA PAKIKIAPID, PAGSISINUNGALING AT MAMUHAY SA LANDAS NG KABANALAN. HUWAG GAMITIN ANG MGA SALITA MULA SA TESTAMENTO NA ITO SA WALANG KABULOHAN. GAMITIN LAMANG KUNG KINAKAILANGAN AT NASA MATINDING KAGIPITAN. HUWAG GUMAWA NG KASAMAAN SA KAPWA, ALALAHANIN LAGI NA WALANG MAGTATANIM NG MABUTI NA AANI NG MASAMA NI ANG MAGTATANIM NG MASAMA NA AANI NG MABUTI.
MGA NILALAMAN NG AKLAT NA ITO:


PANALANGIN / DEBOSYON


PANAWAG SA KAPANGYARIHAN NI KING METATRON


ANG MGA ORACION NI KING METATRON


1. PAGTAWAG NG KIDLAT
2. PANG-UTOS NG KIDLAT
3. PAMPAHINTO NG KIDLAT
4. UPANG MAKAKUHA NG MUTYA GAYA NG NGIPIN, PANGIL AT DILA NG KIDLAT
5. PANIGALPO NI KING METATRON
6. PAMPAAMPAT NG SUGAT
7. GAMOT SA TINAMAAN NG KIDLAT
8. PAMARUSA
9. TIGALPO UPANG MANGINIG ANG KALABAN
10. PAMUKSA SA KAPANGYARIHAN NG DEMONYO O MASAMANG ELEMENTO
11. PAMUGOT NG ULO NG...

Arkanghel Metatron